Plano ni PBBM na pagpapalago sa agrikultura ikinatuwa ng Magsasaka Partylist
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Magiging katuwang ni Pangulong Marcos Jr., si Magsasaka Party-list Representative Robert Nazal Jr., sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Sinabi ito ni Nazal matapos banggitin ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang kanyang plano sa lokal na produksyon ng mga produktong-agrikultural.
Ayon pa sa mambabatas suportado nila ang inanunsiyo ng Punong Ehekutibo na pagbubukas ng maraming Kadiwa Stores sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ikinalugod din ni Nazal ang pahayag ng Pangulo na hahabulin at susugpuin ang mga nagpapahirap sa mga magsasaka, partikular na ang mga smuggler at hoarder.
“His speech is notable for the fact that it mentioned his administration’s programs and plans related to agriculture such as Amending the Fisheries Code, Amendment to the Anti Agricultural Smuggling Act, and the Amendment to the Cooperative Code,” sabi pa ni Nazal.
Para sa mambabatas sapat na ang mga narinig niya sa SONA para kumilos para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.