Ang magandang SONA hindi lang naguulat, pero nagmumulat, at nanggugulat din.
Ito ang sinabi ni Senator Francis Escudero at aniya hindi lamang dapat lahat magandang balita pero haluan din ng mapait na katotohan.
Hindi dapat aniya mangamba si Pangulong Marcos Jr., dahil makakayang tanggapin ng sambayanan ang katotohanan.
Kailangan lang aniya ay hikayatin niya na magkaisa ang lahat sa pagharap ng mga kahaharaping hamon.
“Sapagkat batid ng taumbayan na ang SONA na ang laman lang ay magandang balita ay umiiwas sa paglalarawan ng buong katotohanan.” dagdag pa ni Escudero.
Dapat din aniya na maging balanse ang SONA, kung ano ang mga nagawa na at kung ano pa ang dapat gawin.
MOST READ
LATEST STORIES