Rep. Herrera umaasang mababanggit ang pagbuo sa Department of Water sa SONA

Umaasa si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa ikalawang State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbuo sa Department of Water Resources (DWR).

Ayon sa kinatawan ng Bagong Henerasyon Partylist sa Kamara napakahalaga ang panukala bunga ng krisis sa suplay ng tubig.

‘We look forward to how the President plans to address the growing water crisis. We expect him to lay down a comprehensive blueprint, which should include the creation of DWR,” ani Herrera.

Umaasa din ang mambabatas na susuportahan ng Punong Ehekutibo ang kanyang panukala na bumuo ng Water Regulatory Commission (WRC), na mangangasiwa sa regulasyon sa mga serbisyon na may kinalaman sa tubig.

Magugunita na noong lamang nakaraang Marso, nagpalabas si Pangulong Marcos Jr., ng executive order na bumuo sa Water Resources Management Office (WRMO) para pangasiwaan ang water resources sa bansa.

Ang WMRO ang magsisilbing “transitory body” hanggang sa mabuo ang DWR.

“We would like to hear the President asking Congress to prioritize the passage of legislation creating the DWR, as as the measure establishing the WRC during the 2nd Regular Session of the 19th Congress,” dagdag pa ni Herrera.

Diin lang niya pang habambuhay ng isyu ang krisis sa tubig at panahon na para sa pagbuo ng komprehensibong regulatory framework.

Aniya layon ng kanyang mga panukala na maabot ang layunin na ligtas, sapat, mura at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa Pilipinas.

Read more...