Bagyong Egay bumilis ang paglakas, Signal No. 2 sa Isabela, Catanduanes
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Lumakas pa ang bagyong Egay habang kumikilos sa Philippine Sea.
Sa 5am bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa distansiyang 565 kilometro Silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 170 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon na pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ang lakas ng hangin ng bagyo ay makakaapekto sa lawak na 600 kilometro mula sa gitna.
Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lalawigan:
LUZON:
Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, ilang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan (Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sison, Pozorrubio, San Manuel, San Fabian, Anda, Bolinao, San Jacinto, Manaoag, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Santa Maria, Umingan, Dagupan City, Mangaldan), Aurora, hilaga at kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Bongabon, Gabaldon, Pantabangan, Lupao, San Jose City), hilaga at timog bahagi ng Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan) kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, natitirang bahagi ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate
VISAYAS:
Northern Samar, Eastern Samar, Samar and Biliran
Samatala, Signal No. 2 naman sa timog bahagi ng
Isabela (Palanan, Dinapigue) at hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)