Zubiri: Senado magluluwag na sa health protocols

SENATE PRIB PHOTO

Magiging maluwag na ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa mga  COVID-19 protocols simula ang pagsisimula ng 2nd Regular Session ng 19th Congress ngayon araw.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi na mandatory ang antigen test sa mga kawani at maging sa mga bisita ng Senado at boluntaryo na lamang  ang pagsusuot ng face mask. Sa sesyon naman sa plenaryo, hindi na papayagan ang “virtual” na pagdalo ng mga senador pero maaari naman silang humarap ‘virtually’ sa mga committee hearings. Dagdag pa ni Zubiri desisyon naman ng komite o mga senador kung papayagan ang “virtual” na pagdalo ng mga resource persons na inimbitahan sa pagdinig. Inalis na rin sa session hall ang mga acrylic barriers pero may mga air purifiers pa rin sa loob ng plenaryo dagdag proteksyon sa mga mambabatas at sa mga staff. Bukod dito, tinanggal na rin ang mga marker sa upuan sa session hall para sa social distancing at balik na rin sa dating hanay ang mga mesa ng mga senador. Sa kabila ng pagluluwag sa patakaran, mahigpit naman ang paalala ng Mataas na Kapulungan na kung may lagnat o kung masama ang pakiramdam ay makabubuting mag-isolate at magpatingin sa doktor upang matiyak na walang sakit na maaaring makahawa sa mga empleyado tulad ng COVID-19.

Read more...