May posibilidad na ang binabantayang low-pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.
Huling namataan ang LPA sa distansiyang 720 kilometro ng Borongan, Eastern Samar kaninang alas-3 ng hapon.
Hindi pa rin matiyak ng PAGASA ng direksyon na tatahakin ng LPA.
Paliwanag ni weather specialist Patrick del Mundo na skapag may namuo na bagyo sa loob na ng LPA kadalasan ay tumatama ito sa kalupaan ng Hilaga o Gitnang Luzon.
May ilan din na nag-iiba ng direksyon patungo sa Japan.
Samantala, maaring maging maulan sa Eastern Visayas, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate sa susunod na 24 oras dahil sa LPA.