QC barangays na nag-aalok ng online business permit application nadagdagan

INQUIRER FILE PHOTO

Labing-apat na barangay sa Quezon City ang nadagdag sa listahan na nag-aalok ng mas pinamadaling pagnenegosyo.

Ito ay matapos lagdaan ng Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) ang Business Name Registration System (BNRS) sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS).

Ayon kay  Mayor Joy Belmonte, layunin ng memorandum of agreement na mapalakas na ang negosyo sa lungsod.

“Since one of the requirements for processing the business permits of sole proprietors is the certificate of business name registration (CBNR) from DTI, we need to ensure compliance. Instead of manually verifying the authenticity of CBNRs, the integration will allow digital processing of data and documents thereby speeding up the process,” pahayag ni Belmonte.

Base sa talaan ng DTI, mula sa 35 porsiyento, naging 75 porsyento na ang nag-apply sa pamamagitan ng online application. Nasa 65,000 na negosyo ang nasa Quezon City.

“So we deem it imperative to track growth, regularly monitor compliance, and gather necessary data for policies and programs,” pahayag ni Belmonte.

Read more...