2 pulis natagpuang patay sa istasyon sa Ilocos Sur

Kapwa patay na nang matagpuan ng kanilang mga kasamahan ang dalawang pulis sa loob ng Narvacan Police Station sa Ilocos Sur kahapon.

Kinilala ang dalawa na sina  Cpl. Jeric Ace Abaoag at Pat. Joe Mendoza.

Base sa paunang impormasyon, ilang minuto nang umakyat ang dalawa sa ikatlong palapag ng istasyon ay umalingawngaw na ang sunod sunod na putok ng baril.

Sinabi Ilocos Sur police director, Col. Jugith del Prado “stressed” si Mendoza bago ang insidente.

May teorya na binaril muna ni Mendoza si Abaoag bago ito nagbaril sa sarili.

Read more...