Maharlika Investment Fund website inilunsad

Binuksan na ng pamahalaan ang microsite para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Simula ngayong araw, maari nang ma-access ang website na  https://maharlika.dof.gov.ph/.

Makikita sa website ang mga nilalaman ng MIF Act pati na rin ang mga kaugnay nitong mga balita at kaganapan.

Nasa website din ang mga updates at iba pang impormasyon sa kauna-unahang sovereign wealth fund sa bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang MIF Act noong nakaraang Martes, Hulyo 18.

Read more...