Panghahawakan ni Senator Grace Poe ang pangako ng Department of Transportation (DOTr) na matutugunan na nito ang backlog sa mga driver’s license card darating na buwan ng Setyembre. Umaasa si Poe na kapag nasimulan nang matugunan ng kagawaran ang isyu ay magtuloy-tuloy na ang agad na pagbibigay ng plastic driver’s license. Aniya kahit mayroon ng digital license ay dapat pa ring magsilbing primary ID ang lisensiya sa pagmamaneho. Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Services na dapat tiyakin ng DOTr na hindi makokompromiso ang seguridad at privacy ng isang motorista sa inaalok na paperless option o ang digital license. Bahagi aniya ito ng commitment ng DOTr na patuloy na pagandahin ang serbisyo nito sa ating mga motorista sa transportation system ng bansa
Poe babantayan ang pangako ng DOTr sa plastic driver’s license
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...