2nd SONA ni PBBM tatapatan ng People’s SONA ng ibat-ibang grupo

INQUIRER FILE PHOTO

Inanunsiyo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na inaasahan nila na libo-libo ang lalahok sa mga kilos-protesta na isasabay sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon pa sa Bayan magsasagawa ang mga lalahok ng grupo na tinawag nila na “People’s State of the Nation Address.”

Pagtitiyak ni Bayan Sec. Gen. Raymond Palatino na ang kanilang kilos-protesta ngayon taon ay mas malaki kumpara noong nakaraang taon.

Mas marami ang galit, mas marami ang naliwanagan kasama ang mga kababayan nating gustong i-register ‘yung protest doon sa policies ni Marcos,” ani Palatino.

Sinabi pa nito na may koordinasyon ang kanilang kilos-protesta sa mga awtoridad.

Inaasahan naman na lilimitahan ng mga pulis sa mga itinakdang lugar ang mga kilos-protesta.

 

 

 

 

Read more...