Dating Press Sec. Trixie Angeles sinuspinde ng SC

FILE PHOTO

Anim na buwan na suspensyon ang ipinataw ng Korte Suprema kay dating Press Secretary Trixie Angeles dahil sa paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability, ang code of conduct ng mga abogado sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Napatunayan ang paglabag ni Angeles at lawyer Ahmed Paglinawan sa Section 8:01 ng naturang code of conduct, na nagbabawal sa mga abogado sa paggamit ng “abusive, offensive or otherwise improper” na pananalita.

Pinagsabihan lamang ng SC si Paglinawan ngunit kapwa sila pinaalahanan na mas mabigat na parusa ang ipapataw kung mauuulit ang pangyayari.

Taon 2016 pa nang ihain ang reklamo ng abogadong si Roderick Manzano at hiniling pa niya na matanggalan ng lisensiya sa pagiging abogado sina Angelez at Paglinawan.

Nag-ugat ang reklamo sa paghahain ng “pleading” ng dalawa para sa isang kaso sa Quezon City Metropolitan Trial Court.

Sa resolusyon, binanggit na hindi naman itinanggi ng dalawa ang paggamit ng hindi angkop na pananalita.

 

Read more...