DOJ chief may payo kina Digong, Bato

INQUIRER FILE PHOTO

Pinayuhan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator dela Rosa na iwasang bumiyahe sa Europa.

Ito ay matapos magpasya ang International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon sa anti-drug  campaign na inilunsad noon ni Duterte at dela Rosa.

Sabi ni Remulla, mas makabubuting hindi na muna magtungo ang dalawa sa mga bansa sa Europa na maaring may impluwensya sa judicial system ang ICC.

Payo naman ni Remulla sa ICC, huwag nang magtangkang sakupin pa ang Pilipinas dahil tiyak na magkakagulo.

Aniya igalang na lamang ng ICC ang sobereniya ng Pilipinas.

Read more...