Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.7 earthquake

Niyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang General Mac Arthur, Eastern Samar alas-10:50 kaninang umaga

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 31 kilometro.

Naramdaman ito na Intensity IV sa General Mac Arthur, Eastern Samar, Intensity III sa Hernani, Quinapondan, Salcedo, Giporlos, at Balangiga sa Eastern Samar, at Tacloban City sa Leyte.

Intensity II naman  sa Lawaan, Balangkayan, Maydolong, at Llorente sa Eastern Samar, Palo, Babatngon, Tanauan, Tolosa, at Dulag sa Leyte.

Naramdaman naman ang Intensity I sa Julita at Mayorga sa Leyte.

Wala namang inaasahang mga aftershocks matapos ang lindol.

Read more...