2024 national budget hindi gagalawin sa MIF

PCO PHOTO

Tiniyak ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi maapektuhan ng Maharlika Investment Fund (MIF) ang 2024 national budget.

Sinabi ni Balisacan na nasa P5.3 trilyon ang kabuuang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Tiniyak pa nito na hindi mababaon sa utang ang bansa dahil sa MIF.

Paliwanag pa ng kalihim, hindi idle funds ang gagamitin sa MIF at hindi ang pondo na ginagastos ng gobyerno sa mga programa.

Nilagdaan kahapon ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11954 o ang Maharlika Investment Fund.

Read more...