Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na mag-imbentaryo ng mga lupain na akma para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH).
Base sa Executive Order No. 34 idineklarang flagship housing program ng pambansang gobyerno ang 4PH.
Inaatasan ng EO ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE) na magbigay ng rekomendasyon sa Pangulo sa mga lupa na maaring pagtayuan ng mga pabahay.
Isusumite ng tanggapan ng pamahalaan ang listahan sa DHSUD sa loob ng 60 araw matapos lagdaan ang EO.
Kabilang sa mga pinaiimbetaryo ang mga lupang nakatiwangwang o ang mga hindi na ginagamit sa nakalipas na 10 taon.
MOST READ
LATEST STORIES