Naghain ng multi-million civil suit sa Quezon City Prosecutors Office ang isang aktibista laban kina dating National Task Force to End Local Communist Armed Confict (NTF-ELCAC) spokesperson Looraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz dahil sa patuloy na “red tagging.”
Inihain ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) chairperson emeritis Carol Pagaduan-Araullo ang P2.15-million civil damage suit laban kina Badoy at Celiz dahil sa patuloy na paninira sa kanya at sa kanilang organisasyon sa pamamagitan ng social media accounts at sa programa ng dalawa sa Sonshine Media Network Intl., na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Pagaduan-Araullo nais niyang papanagutin ang dalawa sa mga walang basehan at malisyosong pahayag upang mahinto na ang kanilang paninira sa kanya at sa iba pang mga aktibista, na binansagan nilang kalaban ng gobyerno.
“Why only now? I had previously chosen to ignore these two redtaggers’ scurrilous attacks against my integrity and non-stop diatribe masquerading as legitimate news and commentary. I thought that my unbesmirched reputation and clean track record as a social activist and leader of the progressive alliance, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), would be enough to prevail over their lies and attempts at character assasination,” ani Pagaduan-Araullo.
Banggit pa niya ang dahil sa “red tagging” may mga bigla na lamang naglaho, naging biktima ng extra-judicial killings, arbitrary arrest and detention at naasunto ng paglabag sa Anti-Terrorism law.
Umaasa na din si Pagaduan-Araullo na marami pang mga biktima ng “red tagging” ang susunod sa kanyang naging hakbang.