5 lalawigan nakaranas ng mahihinang lindol mula kaninang madaling araw

Manay Davao OrientalMagkakasunod na niyanig ng mahihinang lindol ang limang lalawigan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 2.0 na lindol sa bahagi ng San Jacinto, Masbate.

Ang nasabing lindol ay naganap ala 1:53 ng madaling araw kanina sa 11 km south ng bayan ng San Jacinto at may lalim na 2.9 kilometers.

Nasundan ito ng magnitude 2.7 na lindol sa bahagi naman ng Lubang, Occidental Mindoro ala 1:58 ng madaling araw.

Ang nasabing lindol ay may lalim na 27 kilometers at naitala sa 68 km north ng bayan ng Lubang.

Sunod na naitala ng Phivolcs ang magnitude 2.6 na lindol sa bahagi naman ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Ang lindol na naganap alas 3:01 ng madaling araw ay may lalim na 9 kilometers at naitala sa 39 km south ng Calayan.

Alas 3:55 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 2.0 na lindol ang bayan ng Palauig sa Zambales na mayroong lalim na 28 kilometers.

At alas 7:20 ng umaga nang tumama ang magnitude 2.7 na lindol sa Manay, Davao Oriental.

May lalim na 28 kilometers ang lindol at naitala sa 82 kilometers sa bayan ng Manay.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang origin ng lindol at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at afterschocks.

 

 

Read more...