Sa kaniyang pahayag sa Alabel, Saranggani kahapon, sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na binibigyan lamang niya ang tatlong PNP generals ng hanggang umaga ng June 30 para magretiro.
Kung mabibigo aniya ang mga ito na mag-retire, ihahayag niya sa publiko ang kanilang pangalan.
“Retire now or I will ask for your resignation in public,” ayon kay Duterte.
Kailangan ayon kay Duterte na bago siya pormal na makaupo sa pwesto sa June 30 ng tanghali ay nakapagretiro na ang tatlo.
Ang tatlong PNP officials ang nauna nang binanggit ni Duterte na sangkot sa korapsyon at illegal na droga.
Sa kabila ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal na gawain, sinabi ni Duterte na tiwala pa rin sa kakayahan at integridad ng mga otoridad sa bansa.
Tiniyak din nitong susuportahan niya ng buo ang pambansang pulisya.