Go: Tapos na ang pagdidikta ng mga banyaga sa Pilipinas
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Wala ng hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.Ito ang muling ipinagdiinan ni Sen. Christopher “Bong” Go kasunod nang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apila ng Pilipinas na itigil na ang pag-iimbestiga sa madugong kampaniya kontra droga ng nakalipas na administrasyon.Aniya gumagana naman ang justice system sa bansa at malaya ito sa pulitika, bukod pa sa patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa ikinasang “war on drugs.”“Filipinos should be judged by fellow Filipinos before Philippine courts operating under Philippine laws,” ani Go.Dapat din aniya alamin sa mga Filipino ngayon kung pakiramdam nila ay mas naging ligtas sila bunga ng kampaniya kontra droga ni dating Pangulong Duterte.“Tapos na ang mga panahon na kailangan pa tayong diktahan ng mga banyaga kung paano natin pamamahalaan ang ating mga sarili,” diin ng senador.