Cash remittances ng OFWs tumaas noong Mayo

Ibinahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ang remittances mula sa mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa.   Sinabi ng BSP na ang cash remittances na idinaan sa mga bangko noong Mayo ay 2.8 porsiyento o may katumbas na $2.49 billion mula sa $2.43 noong Mayo ng nakaraang taon.   Ang ipinadala na cash ng OFWs noong Mayo na P2.67 billion ay pinakamataas simula noong Marso.   Ngunit ito naman ang pinakamabagal sa 2.8 porsiyento sa loob ng tatlong buwan.   Base sa datos ang land-based OFWs ay nagpadala ng $1.99 billion noong Mayo, mas mataas na 2.9% mula sa $1.93 billion noong Mayo 2022.   Samantala, ag sea-based OFWs naman ay nagpadala ng $506 million na mas mataas din kumpara sa $494  million sa katulad na buwan noong nakaraang taon.

Read more...