Maharlika Investment Fund bill nilagdaan na ni Pangulong Marcos

(Courtesy: MPC pool)

Ganap nang batas ang Maharlika Investment Fund.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Republic Act No. 11954 ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.

Layunin ng bagong batas na gamitin ang state assets para makalikom ng karagdagang pondo.

Ang Maharlika Investment Fund ay key component ng administrasyong Marcos para sa Medium Term Fiscal Framework.

Makatutulong din ito sa 8-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Development Plan ng administrasyon.

Una nang sinabi ng Palasyo ng Malakanyang na aabot sa P125 bilyon ang makukuhang investment sa MIF.

Sa naturang halaga, P25 bilyon ang galing sa Land Bank of the Philippines, P50 bilyon sa Development Bank of the Philippines at P50 bilyon sa pondo ng national government.

Sabi ng Pangulo, kapag nagtagumpay ang MIF, tiyak na aangat ang ekonomiya ng bansa.

Sinaksihan nina Finance Secretary Benjamin Diokno, National economic Deevelopment Authority Secretary Arsenio Balisavcan at iba pang opisyal ng pamahalaan ang paglagda ni Pangulong Marcos.

Read more...