75% ng Pinoy pabor na lumakas pa ang Ph-US ties sa WPS issue

 

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na mayorya ng mga Filipino ang pabor at sumusuporta sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Base aniya sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 75% ng mga respondents ang sumang-ayon, samantalang 14 porsiyento lamang ang tutol sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawnag bansa.

May dalawang porsiyento ang nagsabi na wala sila sapat na kaalaman sa isyu, samatalang walong porsiyento naman ang hindi alam ang kanilang isasagot.

“Napakalaki ng disparity. Ibig pong sabihin, nagagalit na po ang ating mga kababayan . . . sawang-sawa na po sila sa pagpasok ng Tsina dito sa ating bansa, lalo na sa mga incursions sa Reed Bank na napalakapit na po sa El Nido, sa Coron,” sabi ni Zubiri.

Samantala, ibinahagi ni Zubiri na sa pagsisimula muli ng sesyon ay pag-uusapan ng mga senador ang resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros ukol sa paghahain ng protesta ng gobyerno sa United Nations ukol sa patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

“We should present to the UN the repeated incursions and violations of China against the Hague arbitral ruling on the West Philippine Sea. We should show the video and photographic evidence of their creeping invasion towards our country and our neighbors, with their continuous reclamation of territory within our EEZ and areas that are considered international waters, hampering the freedom of navigation,” ayon pa kay Zubiri.

 

Read more...