Bilang ng mga bagong nahawa ng COVID 19 bumaba pa

Inanunsiyo ngayon araw ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 1,938 COVID 19 cases sa bansa.

Ito ay naitala simula Hulyo 10 hanggang kahapon, Hulyo 16.

Base sa bagong datos, 277 ang average daily case na naitala at mababa ito ng 23 porsiyento kumpara sa naitala noong Hulyo 3 hanggang Hulyo 9.

Sa mga bagong kaso, 25 ang malubha ang kalagayan, samantalang may 26 na pumanaw at 17 sa mga ito ay noong Hulyo 3 hanggang kahapon.

Patuloy na umiiral ang Alert Level 1 kayat ang paalala ng kagawaran ay patuloy na sumunod sa minimum public health standards.

 

Read more...