Bigtime oil price hike ikakasa bukas

INQUIRER FILE PHOTO

Magpapatupad bukas ng taas-presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo ang mga kompaniya ng langis.

Nag-anunsiyo na ang Shell, Seaoil, Cleanfuel at Caltex ng dagdag P1.90 sa bawat litro ng kanilang gasolina, P2.10 naman sa bawat litro ng diesel.

Madadagdagan naman ng P1.80 ang halaga ng kada litro ng kerosene ng Seaoil, Caltex at Shell.

Sinabi na ang pagtaas ng presyo ay bunga nang pagbawas ng Saudi Arabia ng isang milyong bariles sa produksyon ng kanilang langis kada araw ngayon buwan.

Noong nakaraang Martes, bumaba ng P0.20 kada litro ang presyo ng gasolina, samantalang P0.75 ar P0.50 naman ang itinaas ng kerosene

Sa year-to-date monitoring, bumaba na ng P2.95 ang halaga ng diesel, P5.50 sa kerosene, samantalang P5.65 na ang itinaas sa gasolina.

 

 

 

 

Read more...