Mini bus dumiretso sa fishpond sa Cavite, 9 pasahero sugatan

NOVELETA POLICE PHOTO

Tumagilid sa fishpond ang isang mini-bus sa Noveleta, Cavite kaninang hapon,

Base sa paunang impormasyon mula sa lokal na pulisya, patungo sa Cavite City ang mini bus (DXR 117) pasado alas-3 ng hapon nang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver na si Eric Tampos, residente ng Noveleta, sa bahagi ng Barangay San Rafael 4.

Bago dumiretso at tumagilid sa fishpond, tumama pa ang sasakyan sa steel barrier.

Agad na naisugod sa St. Martin’s Hospital ang nasaktan at nasugatan na pasahero.

Iniimbestigahan na ang pangyayari para sa pananagutan ni Tampos at ng kanyang operator.

 

Read more...