Dahan-dahan na tumataas ang tubig sa Angat Dam dahil sa ilang araw na pag-ulan dulot ng habagat.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), umangat sa 180 metro ang antas ng tubig sa Angat Dam hanggang kaninang ala-6 ng umaga.
Ito ay mula sa 179.06 kahapon, ayon sa ahensiya.
Gayunpaman, hindi sapat ang karagdagang tubig upang maabot ang rule curve elevation na 180.86 metro at mababa pa sa 212 meter normal-high water level tuwing panahon ng tag-ulan.
Ipinaliwanag na ang rule curve elavation ang kinakailangan na antas para matiyak ang suplay ng tubig para sa irigasyon, power generation at domestic supply.
Ang Angat Dam ang nagsu-suplay ng 98 porsiyento ng tubig sa Metro Manila.