Isinusulong ni Senator Win Gatchalian ang karagdagang technical and vocational education and training (TVET) programs na m”ay higher level certifications.”
Sa pag-aaral ng opisina sa Gatchalian sa mga datos mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) hanggang noong nakaraang Mayo, mababa sa isang porsiyento sa 31 TESDA-accredited TVET programs ang nagbibigay ng National Certificate (NC) Level IV at 3.7% o 548 ang TVET diploma programs.
Samantalang, NC I (7.3%) at NC II (79%) ang bumubuo sa 86.3% TESDA-accredited TVET programs.
“Most of our TVET trainees are trained with entry-level skills through NC I and NC II. Very few go through NC III, NC IV, and the higher levels which focus on more complex skills that companies are looking for,” ani Gatchalian.
Idinagdag pa ng senador na kailangan din madagdagan ang enterprise-based TVET programs.
Base sa six-year average ng enrollment sa TVET programs mula 2014 hanggang 2020, 4% lamang ang nag-enrol sa enterprise-based programs, 50% sa community-based programs, at 46% sa institution-based programs.
“What we need to increase is the enterprise-based training because it gives TVET students the opportunity to work in the private sector,” sabi pa nito.