Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa kumakalat na online fake article ukol sa gamot diumano sa diabetes.
Nabatid na sa artikulo ay ginamit pa ang pangalan ni Health Sec. Ted Herbosa.
Paglilinaw ng kagawaran, walang pahayag ang kagawaran o sinoman sa kanilang opisyal ukol sa sinasabing gamot.
Dagdag pa ng DOH, ang mga non-communicable diseases at comorbidities ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng “healthy lifestyle,” tulad ng “proper diet” at “regular exercise.”
Babala din ng kagawaran, maaring maharap sa mga kasong kriminal ang mga responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
Paalala lang din sa publiko na palaging suriin ang mga nababasang artikulo at tiyakin na ang mga ito ay mula lamang sa lehitimong “sources” gaya ng DOH at kanilang official social media accounts.