Napakong pangako ng Duterte-admin sa Siargao ibinahagi kay Sen. Lito Lapid

OSLL PHOTO

Idinulog kay Senator Lito Lapid ang mga hindi natuloy na proyekto at programa sa Siargao Island.

Sa pakikiharap ni Lapid sa mga lokal na opisyal, ibinahagi din sa kanya ang mga problema sa isla tulad ng mataas na halaga ng kuryente, madalas na pagkawala ng kuryente, kakulangan ng mapapagkuhanan ng tubig at programa sa mga magsasaka. Magugunita na labis na nasalanta ang Siargao Island sa pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Nalaman ni Lapid na hindi pa naibigay sa Siargao Island ang “disaster fund” na ipinangako ng nakalipas na administrasyon mula sa

National Disaster Risk Reducation and Management Council(NDRRMC). Ibinahagi ni Rep. Francisco Matugas kay Lapid na higit isang taon matapos ang kalamidad wala pa sa mga ipinangakong proyekto ni dating Pangulong Duterte ang naikasa sa Siargao Island. Sinabi pa ni Matugas na naghain na siya ng resolusyon sa Kamara para maimbestigahan ang puno’t dulo ng kabiguan na maipatupad ang mga proyekto at programa. Nangako naman si Lapid na ipaparating kay Pangulong Marcos Jr., ang hinaing ng mga opisyal at residente ng isla. Nagtungo ang senador sa Siargao Island para pangunahan ang pagpapasinaya sa pampublikong-pamilihan sa bayan ng Dapa na pinaglaanan niya ng P40 milyong pondo matapos mapinsala ng bagyong Odette.

Read more...