103 milyong subscribers nakapagpa-rehistro na ng SIM cards

 

Pumalo na sa mahigit 103 milyon subscribers ang nagpa-rehistro na ng SIM cards.

Ayon sa National Telecommunications Commission, nangangahulugan ito na nasa61 porsyento ng 168 milyong subscribers ang nagparehistro.

Nanindigan naman ang NTC na hindi na palalawigin ang itinakdang deadline sa Hulyo 25.

Nasa mahigit 48 milyon ang Smart subcribers, mahigit 47 milyon ang Globe subscribers at mahigit 7 milyon naman sa DITO subscribers.

Kusang magde-deactivate ang mga SIM card na hindi maiparerehistro bago ang Hulyo 25.

Read more...