Mayon victims binigyan ng ayuda ng DSWD

(Photo: DSWD)

Tuloy ang pamimigay ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nasa 922 na pamilya mula sa Camalig, 586 na pamilya sa Daraga, 444 na pamilya sa Tabaco Albay ang nabigyan ng pinansyal na ayuda sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer.

Ipinamigay ang ayuda sa ibat ibang evacuation centers.

Nasa P12,330 ang natanggap na tulong ng bawat pamilya.

Sa kabuuan, nasa P5.4 milyong ayuda na ang naibigay ng DSWD.

 

Read more...