29 na Pinay nailigtas sa Malaysia nightclub

 

Nasagip ng mga otoridad ang nasa 29 na mga Pilipina na iligal na nakapasok sa Malaysia at pinagtatrabaho bilang mga guest relations officers (GRO) sa ilang nightclub doon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, nakatanggap sila ng tip na sapilitang pinagtatrabaho bilang mga GRO ang mga Pinay kaya’t agad silang dumulog sa mga Malaysian authorities para sa isang rescue operation.

Dalawang club ang sinuyod ng mga otoridad sa bayan ng Bintulu sa Sarawak kung saan nasagip ang 29 na Pilipina.

Nagawang makapasok ng mga Pinay sa Malaysia gamit ang mga tourist visa at pinapalitan ito ng employment visa ng kanilang mga illegal recruiter pagpasok sa bansa.

Gayunman, sa ilalim ng Malaysian law, ipinagbabawal ang pagpapalit ng mga social visit o tourist visa tungong employment visa.

Sa naturang operasyon, tatlong recruiter ng mga Pinay ang inaresto at sasampahan ng kaukulang kaso.

Mananatili naman pansamantala sa isang women’s shelter ang mga nasagip na Pinay habang isinasagawa ang imbestagasyon sa kaso.

Read more...