Naging Tropical Storm na ang Tropical Depression Dodong.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, wala ng nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.
Hindi rin magdadala ng malakas na pag-ulan ang Tropical Storm Dodong.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of responsibility ang Tropical Storm Dodong mamayang 8:00 ng gabi sa Laoag, Ilocos Norte.
Namataan ang sentro ng bagyo sa 305 kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.
MOST READ
LATEST STORIES