Pauline Amelinckx itinanghal na first runner-up sa Miss Supranational 2023

 

Itinanghal na first runner-up ng Miss Supranational 2023 ang pambato ng Pilipinas na si Pauline Amelinckx.

Nasungkit naman ng pambato ng Ecuador na si Andrea Aguilera ang korona.

Itinanghal na second runner-up si Sancler Frantz Konzen ng Brazil habang si Emma Rose Collingridge ng United Kingdom ang third runner-up at si Dang Thanh Ngan ng Vietnam ang fourth runner-up.

Target sana ni Amelinckx na makuha ang ikalawang korona sa Miss Supranational.

Taong 2013 kasi nang makuha ni Mutya Datul ng Pilipinas ang naturang korona.

Read more...