Pagdalo ni Pangulong Marcos sa 36th Cordillera Day, kinansela dahil sa TD Dodong

(Photo courtesy: Nestor Corrales/Philippine Daily Inquirer)

Kanselado na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Luna, Apayao ngayong araw, Hulyo 15.

Ito ay dahil sa masama ang lagay ng panahon dulot ng Tropical Depression Dodong.

Ayon sa Palasyo ng Malakanyang, dadalo sana ang Pangulo sa selebrasyon ng 36th Cordillera Day commemoration.

Inirekomenda ng Presidential Security Group kay Pangulong Marcos na kanselahin na muna ang biyahe dahil sa masamang panahon.

Ang Cordillera ay binubuo ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province at Baguio City.

 

Read more...