Niyanig ng 4.3 magnitude na lindol ang Loreto, Dinagat Islands kaninang 3:00 ng madaling araw, Hulyo 15.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na walong kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Loreto, Dinagat Islands.
Naramdaman naman ang Intensity III Hinunangan at Hinundayan sa Southern Leyte at Tubajon sa Dinagat Islands.
Samantala, niyanig ng 2.9 magnitude na lindol ang San Jose City, Nueva Ecija kaninang 5:00 ng umaga.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na anim na kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa San Jose, Nueva Ecija at Instrumental Intensity II sa Bongabon, Nueva Ecija.
MOST READ
LATEST STORIES