Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging Malaya na sa komunistang grupo ang Northern Samar sa agtatapos ng taong 2023.
Sa talumpati ng Pangulo sa pagbisita sa Camp Juan Ponce sa 803rd Brigade sa Sumuroy, Northern Samar, sinabi nito na kung pagbabasehan ang accomplishments, mabubuwag na ang komunistang grupo sa mga susunod na buwan.
“I just received the briefing on the success rate sa ating pagbuwag, sa ating pag-dismantle ng mga front, pag-weaken ng mga ibang front. And I was also given a very encouraging deadline that masabi natin that we will have dismantled all of the CTG (communist terrorist groups) fronts by the end of the year and that is the result of your good work,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“From the progress being made in Northern Samar, we are looking forward to declaring that province clear of CTGs by the end of the year,” dagdag ng Pangulo.
Nakisalo rin ang Pangulo sa isang boodle fight.
Sabi ng Pangulo, hindi niya mahintay na bumisitang muli sa Northern Samar para sa pagdedeklara na insurgency free na ang lugar.
“Patuloy ang pagpaganda ng sitwasyon dito at I am very, very impatient already to come back here and to be with you when we declare your area of operation clear of any communist terrorist group (CTG) formations, any CTG groups,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And that will be a big, big blow to the enemy forces because they have always felt that Northern Samar is a place that they feel safe in,” dagdag ng Pangulo.
Hamon ng Pangulo sa 803rd IB hikayatin ang mga rebeldde na magbalik loob sa pamahalaan.
“So, that is the plan. This is how we are going to move forward but this is all founded, it is all based, on the continuing good work that you put in every day,” pahayag ni Pangulong Marcos.