Matapos ang 30 taon, may bago ng coastal road sa Northern Samar.
Ito ay matapos pasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Samar Pacific Coastal Road Project.
Sabi ni Pangulong Marcos, malaking tulong ang bagong kalsada sa mga residente lalo na sa pagdadala sa mga produktong pang-arikultura.
“With the opening of this road and its bridges, the development of Northern Samar’s rich agricultural lands and bountiful fishing grounds will follow suit,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nagsimula ang Samar Pacific Coastal Road project sa kalagitnaan ng taong 2018 sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at natapos sa ilalim ng “Build Better More” program ng administrasyong Marcos.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa sa tulong para matapos ang proeykto.
“We have been waiting and hoping. Everything that could happen to a project happened to this project. The storms came, there were security problems. Matagal na nating inaantay ito,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We have been talking about this but then when it was starting to move again, the pandemic hit. So, tigil na muna. And so that is why, it was so important for me to come and to be able to see exactly what finally we have been able to complete, that to all of us here from Eastern Visayas have been waiting to see,” dagdag ng Pangulo.
Nasa 11.6 kilometro ang haba ng bagong kalsada at nagko-konekta sa mga bayan ng Simora, Laoang, Palapag at Catubig.
“The completion of this key infrastructure initiative links the so-called ‘Pacific towns’ of Samar and establishes a circumferential road around the entire island connecting markets, industries, and communities,” pahayag ni Pangulong Marcos.