Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na ipalabas sa mga sinehan sa bansa ang pelikulang “Barbie.”
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Northern Samar, isang work fiction lamang ang naturang pelikula.
Ipinakikita sa pelikulang Barbie na mayroong territorial claim ang China sa nine-dash line sa South China Sea.
“Maganda raw eh, sabi nila,” sabi ni Pangulong Marcos.
“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang pinayagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie” sa bansa.
Nasa Samar si Pangulong Marcos para sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at namahagi ng ayuda sa mga residente.