Isa pang suspek sa photojournalist ambush case natimbog

Dalawa ng suspek sa pananambang sa isang photojournalist ang nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD). Kasunod ito nang pagkakaaresto sa isang Jomari Campillo. Sinabi ni QCPD Director Nicolas Torre si Campillo ang nagmaneho ng isa sa mga motorsiklo na ginamit ng mga nanambang kay Joshua Abiad, ng Remate Online.  Namatay ang isang pamangkin ni Abiad na kasama niya nang siya ay tambangan at dalawa pa niyang kaanak at isang bystander ang nasugatan. Narekober kay Campillo ang 9mm na baril nang arestuhin siya sa terminal ng Pangasinan Solid North Transit sa EDSA, Cubao, Quezon City kahapon. Nabanggit pa ni Torre na may lima pa silang hinahanap kaugnay sa naturang kaso.

Read more...