Poe hindi pabor sa panibagong SIM registration extension

Kontra si Senator Grace Poe na mapalawig muli ang pagpaparehistro ng SIM. Aniya tulad ng eksaminasyon sa paaralan kung tapos na ang oras at kinakailangan na ang exam paper dapat ay isumite na ito. Sa darating na Hulyo 25 ang deadline ng extension ng SIM registration. Ang lahat ng activated SIM na hind maipaparehistro ay made-deactivate at hindi na ma-access ang social media at online payment accounts. Katuwiran ni Poe kapag muling pinalawig ang deadline maaring kuwestiyonin o pagdudahan na ang SIM Registration Law. Muli din sinabi ng senadora na naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng batas para mabawasan o matuldukan ang cyber crimes gaya ng scams at phishing.

Read more...