Mangaailangan na ng kaukulang sertipikasyon ang mga magpapalipad ng mga drones sa Amerika simula sa August.
Ayon sa US Federal Aviation Administration o FAA, kinakailangan nang kumuha ng mga ‘remote pilot certificate ‘ ang mga operator ng mga unmanned drone dahil sa dami ng mga gumagamit nito sa ngayon.
Sa ilalim ng regulasyon, kailangang umeedad 16 na taon pataas ang mga gagamit ng mga drone.
Kung menor de edad naman, kinakailangang sinusubaybayan ito ng isang sertipikadong mag-operate ng remote drone.
Nitong nakalipas na taon, biglang lumobo at naging popular ang paggamit ng drone sa Amerika.
Gayunman, naging isyu naman ang trespassing at paglabag sa privacy ng ilang indibidwal dahil sa paglipana ng mga unmanned remote controlled-drone sa naturang bansa.