Ito ang pahayag ni incoming president Rodrigo Duterte sa kabila ng mariing pagkontra dito ng Simbahang Katolika at maging ng ilang mga human rights groups.
Sa pagdalo ni Duterte sa inaugurasyon ni Senator-elect Manny Pacquiao sa Sarangani, iginiit ni Duterte na nais niyang ibalik ang bitay para pagbayaran ng kriminal ang kanyang naging kasalanan.
Giit pa ni Duterte, hindi isang uri ng pagpigil sa krimen ang death penalty.
Ito ay ang pagpapanagot sa isang kriminal sa kanyang nagawang kasalanan.
“You are equipped with your mental faculty. Iyong death penalty to me is the retribution. Magbayad ka sa ginawa mo,” paliwanag ni Duterte.
Una nang naging bahagi ng plataporma ni Duterte ang maibalik ang pagpapatupad ng death penalty sa oras na siya ang manalo sa eleksyon.
Ito ay sinalubong ng negatibong reaksyon mula sa Simbahang Katolika at sa mga human rights advocates.