5 pulis sa robbery-extortion sa Maynila pinahahanap na ni PNP Chief Acorda
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Pinahahanap na ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang limang pulis-Maynila na sabit sa robbery-extortion sa Maynila.
Inutusan ng hepe ng pambansang-pulisya ang Manila Police District, PNP-Intelligence Group at Criminal Investigation and Detection Group para hanapin ang lima.
Ang mga hinahanap ay sina Police Staff Sgts. Ryann Tagle Paculan at Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, at Pats. Jeremiah Sesma Pascual at John Lester Reyes Pagar.
Diin ni Acorda hindi nila kinukunsinti ang maling gawain sa kanilang hanay kayat nais niyang maaresto ang lima para harapin ang reklamo laban sa kanila.
Sinibak naman na ang lahat ng mga nakatalaga sa
Manila Police District Intelligence Operations Unit dahil sa diumanoy pagnanakaw at pangingikil ng lima sa isang may-ari ng computer shop sa Sampaloc, Maynila.