50 infra projects ng NHA atrasado, contractors hindi nasisingil ng danyos – COA

INQUIRER FILE PHOTO

Ibinahagi ng  Commission on Audit (COA) na may 50 proyekto ang  National Housing Authority (NHA) na naantala.

Sa audit report, nagkakahalaga ang mga proyekto ng P7.754 bilyon at ang pagkaka-antala ay mula 16 araw hanggang limang taon.

Nabatid na hindi din naipapatupad ang Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9184, kung saan dapat ay sinisingil ng “liquidated damages” ang mga kontraktor  kung hindi natatapos ang proyekto.

Nakasaad din sa batas na kung ang liquidated damages ay aabot sa 10 porsiyento ng contract price maaring bawiin ang kontrata o ipatuloy ang paggawa ngunit sisingilin pa rin ang kontraktor ng danyos.

Nabatid na base sa pagsusuri sa Calamity Fund projects ng NHA, tanging ang mga kontraktor lamang ng Carigara Housing Project 1 at Pastrana Ville ang siningil ng danyps noong 2019, gayundin ang 16 16 Yolanda Permanent Housing Projects (YPHP) noong 2017 – 2019, na natigil naman noong 2022.

 

Read more...