P34.5-M halaga ng smuggled Thailand sugar buking sa MICP

BOC PHOTO

Nadiskubre ng mga ahente ng  Bureau of Customs (BOC) ang may P34.5 milyong halaga ng smuggled sugar mula sa  Thailand.

Ang pagkakadiskubre ay nangyari sa pagsasagawa ng inspections sa mga container sa Manila International Container Port (MICP).

Unang nadiskubre ang P17.25 milyong halaga ng imported refined sugar mula sa  Thailand sa loob ng 10 containers noong Hulyo 10.

Kasunod nito, katulad na halaga ng ipinuslit na asukal ang nadiskubre sa lima pang containers.

Nabatid na ang mga asukal ay para sa Smile Agri Ventures Inc., at dumating sa MICP noong nakaarang Mayo 27 at idineklarang 100,000 kilo ng silica sand sa bawat isang container.

 

Read more...