Tatlong volcanic earthquakes, 286 na rockfall events at 10 pyroclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naging magabal ang pagdaloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully at 4 na kilometro sa Basud Gully.
Nasa 1,582 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Umabot sa 500 metrong taas ang ibinugang plume. Katamtaman ang naging pagsingaw ng plume at napadpad sa kalakhang kanluran at silangan-timog-silangan.
MOST READ
LATEST STORIES