Pag-ulan magpapatuloy dahil sa LPA at habagat
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulohg at pagkidlat ang kabuuan ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, ngayon araw.
Sa 4am bulletin ng PAGASA, katulad na panahon din ang mararanasan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa PAGASA ito ay dahil sa habagat at low pressure area, na huling namataan sa distansiyang 295 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon.
Nagbabala ang ahensiya sa posibilidad ng flash floods at lanslides kung malakas ang buhos ng ulan.
Samantala, magiging maulap naman na may kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil na rin sa habagat.