Red tide alert sa Bohol, Zamboanga del Sur

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakukuha sa karagatan ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish lalo na ang alamang.

Ligtas naman na kainin ang isda, pusit, hipon at alimango.

Paalala lamang ng BFAR kailangan na tiyakin lamang na maayos ang pagkakalinis nito, tinanggal ang hasang at kaliskis at niluto ng mabuti.

Read more...